Handog ng Misa: Isang Pag-Unawa sa Eukaristiya

PHP250.00
SKU: 4806516692069
Release Date: 
2006
Running Time: 
22 mins.
Price: PHP250.00

“Sumainyo ang Panginoon.” Ito ang bukod-tanging handog ng sakramento ng Eukaristiya o Banal na Misa. Sumasaatin ang Panginoon sa pamamagitan ng pari, ng pagtitipon ng mga Kristiyano, ng pagpapahayag ng Kanyang Salita, at ng tinapay at alak na nagiging katawan at dugo Niya. Dito, sa makabuluhang pagtitipon sa ngalan ni Hesus, sinasariwa natin ang buhay, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Kristo alang-alang sa sangkatauhan. Maari rin natin itong ihambing sa pagsasalu-salo natin kasama ang pamilya at kaibigan. Sa natatanging palabas na ito, ipinapaliwanag ni Bishop Chito Tagle ang mga bahagi ng Misa, at si Ms. Love Añover naman ang tagapagpadaloy. Handog ng JesCom sa pakikipagtulungan ng Kalakbay-Buhay Catechists’s Foundation of the Philippines.